548
Barker dampot sa iligal na droga
Mar 13, 2020 @ 16:44
By

Pang-5 drug personality sa Olongapo timbog

Swak sa kulungan ang Top 5 drug personality sa ginawang buy-bust operation sa Barangay New Kalalake sa Olongapo City, Zambales.

Kinilala ni Olongapo City PNP Director P/Col. Benjamin Sembrano ang suspek na si Ivory Lacandili, na nagbebenta umano ng iligal na droga sa isang undercover agent.

Ayon kay Sembrano, si Lacandili ay naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Olongapo PNP at PDEA sa isang eskinita sa tabi ng tulay sa nasabing barangay.

Nakumpiska mula sa kanya ang pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P3,000 at marked money na ginamit sa operasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?