108
Paneng, PetroGazz tuloy sa pagharabas
Jul 18, 2019 @ 16:16
By

Paneng, PetroGazz tuloy sa pagharabas

Sa pagkapanalo ng PetroGazz Angels sa PVL Season 3 Reinforced Conference, asahan na patuloy ang pagrereyna nito lalo na sa Season 3 Open Conference sa darating na Agosto.

Sa ginanap na press conference nitong Martes, hinamon ni head coach Arnold Laniog ang kanyang mga local player na mag-step up sa all-Filipino line up sa Open Conference.

“Mas malaki ‘yung challenge sa amin but I know naman na our local players are talagang ready to embrace the challenge,” sambit ni coach Laniog.

Matatandaan na inakay nina Best Foreign Guest Player Wilma Salas at Finals MVP Janisa Johnson ang Angels sa kampeonato kontra sa Creamline Cool Smashers.

Tiniyak rin ni PetroGazz team manager Camille Cruz na target pa nila ang marami pang kampeonato sa PVL.

Asahan na muling kakayod para sa Angels sa darating na Open Conference sina Paneng Mercado, Cherry Nunag, Kai Baloaloa, Pangs Panaga, Jonah Sabete, setter Djanel Cheng at libero Cienne Cruz.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?