292

Jan 11, 2020 @ 13:30
By

Paneng Mercado nagpatali na

Nagpakasal na sa kanyang longtime boyfriend na si veteran spiker Stephanie “Paneng” Mercado nitong Biyernes sa Santuario de San Antonio Parish, Makati.

Ang nakaisang dibdib ng kilalang balibolista ay ang pilotong kasintahang si David de Koenigswarter.

Anak si Mercado ni dating Asia’s fastest woman Lydia de Vega-Mercado.

Enero 2019 nang ibahagi ni Paneng ang ang engagement sa dyowa sa isang ski resort sa United States.

Kabilang sa mga dumalo sa wedding ceremony ang mga dati niyang teammates sa La Salle na sina Cha Cruz-Behag, Michele Gumabao, Aby Marano, Melissa Gohing, Celine Hernandez-Lao at iba pang naglalaro sa Premier Volleyball League.

Present din sa seremonya ang kasaluyang PetroGazz teammates niyang sina Jeannette Panaga, Cienne Cruz at Jessey de Leon. (JAT)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?