242

May 11, 2019 @ 10:14
By

Panelo umalma sa ginawang Facebook meme

Tinawag ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na mapanirang-puri ang imahe niyang inedit para magmukhang iniendorso ang mga taga-oposisyon.

Aniya, “An anti-Duterte Facebook page has posted today an edited online image of me taken from my May 8 news briefing purportedly endorsing the slate of Ocho Derecho senatorial candidates and others.”

Dagdag niya, “While we understand that the post is a political meme, which is the norm in this campaign season, the same however amounts to a defamatory imputation.”

Ayon kay Panelo, bagamat nakasanayan na ang mga meme sa panahon ng pangangampanya, mayroon pa ring netizens na madaling maniwala sa mga nakikita nila sa internet kasama na ang mga imahe na “obviously altered, edited or Photoshopped.”

Aniya, “It is for this reason that I strongly denounce the malicious use of my image for black propaganda and political mudslinging. This is nothing but false news dished out by the supporters of the political opposition which by its reckoning is headed for a resounding debacle.”

Dumulong naman si Panelo sa “fact-checkers” ng Facebook at sinabi na gawin ang kanilang trabaho nang walang kinikilingan.

Ang meme ay ipinost ng satirical page na Malacañang Events and Caterig Services.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?