21

Oct 8, 2021 @ 16:45
By

Panelo tatakbong senador

Naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo para sa pagtakbo niyang senador.

Dumating si Panelo sa Harbor Garden Tent ng Sofitel Hotel sa Pasay City nitong Biyernes.

Tatakbo siya sa ilalim ng PDP-Laban.

Bukod sa pagiging chief lawyer ni Pangulong Rodrigo Duterte, naging presidential spokesperson din siya mula 2018 hanggang 2020.

Pinalitan niya ang nagbitiw na si Harry Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?