71
Panelo sinermunan ni Diokno sa paglalabas ng matrix
May 3, 2019 @ 18:21
By

Panelo sinermunan ni Diokno sa paglalabas ng matrix

Dapat umanong beneripika muna bago inilabas ng Malacañang ang “Oust Duterte matrix” sa publiko.

Ani senatorial bet Chel Diokno, galing man o hindi kay Pangulong Rodrigo Duterte ang matrix, may tungkulin si Presidential Spokesman Salvador Panelo na beripikahin muna ito bago i-broadcast.

Dagdag pa ni Diokno, anumang akusasyon sa labas o loob man ng korte ay dapat may back-up na ebidensiya.

“So whether the matrix came from the President or an unknown number, Mr. Panelo owes it to the Filipino people to verify information before he broadcasts it to the public. Hearsay, gossip, and blind belief have no place in Malacañang,” saad ni Diokno.

Matatandaang naglabas ng pahayag ang fact-checking group VERA Files nitong Lunes tungkol sa umano’y ouster plot kung saan kinuwestiyon nito na ilang araw na ang lumipas pero wala pa ring konkretong ebidensiya na inilabas ang Malacañang hinggil dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?