3,303

Jul 28, 2021 @ 18:47
By

Panelo parang bulate na nilagyan ng asin—Bayan Muna

Dapat umanong itigil na ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang paninisi sa media kaugnay ng pagdawit sa Olympian na si Hidilyn Diaz sa “Oust Duterte matrix” na siya naman ang nagsapubliko.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Ferdinand Gaite, nagiging katawa-tawa lang si Panelo sa paghahanap nito ng masisisi upang mailigtas ang sarili.

“Instead of trying to squirm out like an earthworm sprinkled with salt, Mr. Panelo, should just admit that that whole ‘Oust Duterte Matrix’ episode was just a bunch of muck meant to justify the government’s crackdown against its critics” sabi ni Gaite sa isang pahayag.

Ipinunto ni Gate na si Panelo ang naglabas ng oust Duterte matrix sa isang press conference sa Palasyo noong 2019 kung saan kasama ang pangalan ni Diaz kaya hindi niya ito dapat na isisi sa media.

“Tigilan na niya ang pagpapalusot, dahil lalo lamang siyang nagmumukhang katawa-tawa,” wika pa ng solon.

Maaari umano na nadamay si Diaz dahil noon ay nagpapahiwatig ito na kulang ang suporta ng gobyerno sa mga atleta.

“Mas madali sa kanila na isangkot na lamang siya sa pekeng matrix kesa tugunan ang pangangailangan ng mga atletang nagdadala ng karangalan sa ating bansa,” sabi pa ni Gaite.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?