270

May 10, 2019 @ 17:07
By

Panelo naunahan ni Sotto sa pasabog kay ‘Bikoy’

Naunahan si Presidential Spokesman Salvador Panelo sa ipinangalandakan nitong “bombshell” laban kay alyas Bikoy na nagpakalat ng narco videos laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Panelo na naunahan siya ni Senate President Vicente Sotto III sa paghahayag kung ano talaga ang pagkatao ni Peter Joemel Advincula na nagpakilalang si “Bikoy”.

Hindi aniya ang inilabas nitong diagram ang bombshell kundi ang mga impormasyong inihayag nin Sotto nitong nakalipas na araw laban kay “Bikoy”.

Sinabi ni Panelo na hindi niya agad nailabas ang bombshell dahil hindi pa nasasagot ng Philippine National Police (PNP) ang mga tanong nito patungkol kay “Bikoy”, pero nauna na aniya si Sotto.

“Di ba nangako sa inyo ng bombshell? No, this is not the one. The bombshell I was referring to, naunahan ako ni Senator Sotto. ‘Yun ang aking bombshell. Kaya hindi ko mailabas because I was asking the PNP kailan ba inilabas ‘yan ni “Bikoy”? Saan inilabas, paano inilabas? Hindi pa nila masagot sa akin eh. ‘Yun pala inilabas pala kay Senador Sotto,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na ang nais nitong ipunto laban kay “Bikoy” ay ang parehong pattern ng mga ginagawa nito at impormasyong ginagamit para makapanloko na malinaw na huwad at pang-black propaganda talaga.

“Ang bombshell actually doon is ipapakita mo na ginawa na niya dati. In other words, fake talaga. Parehong-pareho kasi nakita ko ‘yung analysis ng mga pulis. Same pattern, pati ‘yung mga code number, medyo binago-bago lang ng konti pero parehong-pareho ng style kaya fake talaga, black propaganda,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?