13

May 4, 2021 @ 15:15
By

Panelo nagpaturok din ng Sinopharm

Nabakunahan na rin si Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo.

Sa text message ni Panelo, Sinopharm ang ginamit nitong COVID-19 vaccine nitong Martes ng umaga gaya ng bakunang ginamit ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na walang masama sa pagpapabakuna ni Panelo dahil isa itong senior citizen na kasama sa prayoridad na mabakunahan.

” Secretary Panelo is a senior citizen so kasama siya sa A2 dahil ang binabakunahan po natin ngayon A1, A2 at A3 kasama yung mga may comorbidity,” ani Roque.

Naniniwala ang kalihim na hindi nagpabakuna si Panelo dahil sa kanyang posisyon kundi dahil pasok ito sa kategorya ng mga nasa priority list ng national vaccination program.

“He is not there as a secretary, he is there perhaps as a senior citizen,” dagdag ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?