60

Jun 18, 2020 @ 8:38
By

Panelo kina Clinton, Albright: ‘Di n’yo alam batas dito!

Sinagot ng abugado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikisangkot nina dating United States Secretaries of State Hillary Clinton at Madeleine Albright sa guilty verdict laban kay Rappler CEO Maria Ressa kaugnay sa kanyang cyber libel case.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo sa dalawa na bago magsalita ay dapat umanong alam ng mga ito ang batas sa Pilipinas.

Dapat din aniya munang alamin ang ugat ng kaso ng beteranang journalist na naging dahilan para hatulan siya at si dating researcher-writer Reynaldo Santos, Jr. ng ganoon.

“Ma’am Hillary and Ma’am Madeline, ang problema sa inyong dalawa eh hindi nyo alam kung ano ang batas dito sa aming bansa. Nagsasalita kaagad kayo ng suporta without even reading the facts of the case,” ani Panelo.

Batay sa pahayag ni Clinton sa Twitter, ginawa lamang ni Ressa ang kanyang trabaho bilang mamamahayag pero hinatulan ito ng korte.

Sinabi naman ni Albright sa parehong social media platform na suportado niya si Ressa sa paninindigan nito: na ang paghatol sa kanya ay pagsikil sa press freedom.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?