11,036

Jun 24, 2020 @ 16:39

Panelo kay Lea: Hindi ka magandang ehemplo

Pinagsabihan ng Malacañang ang singer-actress na si Lea Salonga kaugnay sa trending online na pagmumura nito sa Pilipinas.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na kung mayroon man itong sama ng loob laban sa Pilipinas ay huwag isapubliko dahil marami ang magiging interpretasyon dito ng publiko.

Hindi aniya magandang ehemplo na ang isang celebrity na hinahangaan ay hindi iginagalang ang bansa kung saan ito ipinanganak at kung saan ito naghahanapbuhay.

“Ang advise natin kay Miss Lea, cool ka lang. Kung ano man ang sama ng loob mo, huwag mong isapubliko lalo kung laban sa sarili mong bansa kung saan ka ipinanganak, kung saan ka kumikita, kung saan ka kinikilala, hindi magandang ganyan,”ani Panelo.

“Parang disrespect yun sa bansa mo. Walang specific na kaso,” ani Panelo. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?