474

Jul 27, 2021 @ 17:49
By

Panelo itinangging sinama si Hidilyn sa drug list, oust Duterte matrix

Itinanggi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na iniugnay niya si Olympic gold medallist Hidilyn Diaz sa iligal na droga at sa planong patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pahayag, binira ni Panelo ang mga social media card na nagko-quote sa kanya nang sabihin umano na parte ng drug list si Diaz.

“This representation slams this material, which is being circulated in social media channels and group chats, as fake news. I never said that Ms. Diaz is not entitled to drugs just because she is a sports medalist,” lahad ni Panelo.

Ipinaliwanag din ni Panelo kung bakit namaling nai-tag ang Pinay weightlifter sa diagram ng mga taong umano’y nagpaplano sa oust Duterte na inilabas sa media noong 2019.

“When reporters noted the name of Ms. Diaz in the matrix two years ago and hastily concluded that the government is declaring her to be part of an ouster plot against the President, I immediately issued a statement averring otherwise,” wika ng opisyal.

Dagdag niya, lumabas si Diaz sa diagram dahil pina-follow ito sa social media ni Rodel Jayme, na siyang nag-upload ng mga “Ang Totoong Narco List” video laban sa pamilya Duterte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?