206

May 8, 2021 @ 17:27
By

Panelo: Duterte hindi duwag sa pagatras sa debate

Pinagtanggol ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo nitong Sabado si Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng pag-atras nito sa debate laban kay retired Supreme Court senior associate justice Antonio Carpio.

Sa isang panayam, sinabi ni Panelo na wala nang dapat pagdebatehan pa ang dalawa sapagkat nilinaw na ng pangulo ang kanyang pananaw sa issue ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.

“Sabi ko naman sa inyo, hindi kaduwagan iyan. Unang-una, wala na ngang pagdedebatehan. Masyadong klaro eh. Klarong-klaro ang posisyon,” ani Panelo sa kanyang commentary show.

Dagdag pa ni Panelo, ang nangyayaring palitan ng salita sa pagitan ng dalawa ay isang uri na rin ng pagdedebate.

“Noong sinabi ni Presidente, iba ang aking naiisip. Hindi naghahamon si Presidente ng debate. Bakit pa siya maghahamon ng debate? Eh nagdedebate na nga in a way,” saad ni Panelo.

Hayag pa niya, kung sakaling matuloy ang debate, magkakaroon lamang ng bentahe si Carpio na tinawag niyang “media mileage.”

“Sa media mileage, palaging panalo na yung lalaban sa Presidente. Kita mo presidente madedebate mo, hindi ho ba?”

Ayon pa sa kanya, hindi rin mananalo si Carpio kay Duterte sa isang debate.

“Eh president ito ng bansa, eh ito wala, retired na ito eh ,” sambit nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?