72

By

Panelo bumanat kay Del Rosario: Sa Aquino admin nawala ang Scarborough

Nakatikim ng banat si dating Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario mula kay Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay sa isyu sa China.

Kasunod ito ng pahayag ni Del Rosario na dapat iakyat ng Pilipinas sa United Nations ang isyu sa China dahil patuloy na hindi kinikilala ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa isyu ng agawang ng teritoryo sa South China Sea na pumabor sa Pilipinas.

Sinabi ni Panelo na magaling lang magsalita si Del Rosario kung kailan wala na ito sa puwesto, gayong noong siya ang nakaupo sa DFA ay wala itong ginawa nang angkinin ng China ang mga pinag-aagawang teritoryo.

“Sabi ko nga huwag mo kaming turuan ng isang bagay na hindi mo naman ginawa. Wala kang karapatan. You don’t—the nerve and the gall to suggest something—in the first place, he lost Scarborough to the Chinese. Siya ang nag-umpisa niyan kaya nagka… Kung hindi siya umalis doon, ‘di sana wala tayong problema ngayon,” ani Panelo.

Binigyang-diin ng kalihim na sa panahon ng Aquino administration nawala ang mga pinag-aagawang teritoryo dahil walang ginawang aksiyon para pigilan ang China noong nagsisimula pa lamang magtayo ng mga imprastraktura sa Panatag Shoal.

Naunang binanatan ng Pangulo si Del Rosario sa isa sa mga talumpati nito dahil wala aniyang ginawa at sa halip ay hinayaang masakop ng China ang mga piinag-aagawang teritoryo sa South China Sea habang sila pa ang nakaupo sa puwesto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?