333

By

Panelo binuska si Trillanes sa pagtatago sa Senado

Sharing is caring!

Kinantiyawan ng Malacañang si Senador Antonio Trillanes dahil ginagawang sangkalan ang Senado para hindi siya maaresto ng mga awtoridad na nag-aabang sa kanya matapos mapawalang-bisa ang amnestiya nito.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na dapat patunayan ng senador ang pahayag niyang hindi siya tatakbo at hindi tatakas, bagkus ay haharapin ang mga aaresto sa kanya.

Baligtad aniya ang sitwasyon dahil sinabi ng senador na duwag si Pangulong Rodrigo Duterte pero ito naman ang ayaw lumabas sa kanyang tanggapan sa senado.

“Unang-una akala ko ba sabi ni Trillanes duwag si Presidente Duterte, pero bakit siya hindi lumalabas sa senado? Dapat harapin niya ‘yung mga umaaresto sa kanya,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na hindi nadadaan sa paninindak at pa-press con ang direktiba laban kay Trillanes na arestuhin ito at ibalik sa detensiyon matapos mapawalang -bisa ang amnestiya nito.

Matatandaang sinabi ni Trillanes kahapon na hindi siya natatakot sa naging aksiyon ng gobyerno kasabay ang banta na may araw din ang Presidente, at tinawag ding duwag dahil itinaon ang paglabas ng proclamation na nagpapawalang-bisa sa amnestiya nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?