234

By

Panelo, Andanar pinaglaruan ni Duterte

Nakatuwaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawa sa miyembro ng kanyang Gabinete, sa inagurasyon ng bagong transport terminal sa Parañaque City.

Sa kanyang talumpati ay isa-isang ipinakilala ng Pangulo ang kanyang mga Gabinete na nagsimula kina Executive Secretary Salvador Medialdea, Transportation Secretary Arthur Tugade at Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar na tinawag niyang billionaire at multibillionaire.

Pagdating kay Presidential Spokesman Salvador Panelo ay sinabi ng Pangulo na hindi ito multimillionaire o billionaire subalit ang kalihim aniya ay debonair ng Gabinete.

Matatandaang madalas punahin ng Presidente ang pananamit ni Panelo dahil sa kakaibang style nito gaya na lamang ng pagsusuot ng barong na walang panloob, o kaya ay paggamit ng tattered jeans, sombrero na teternuhan ng shawl.

Hindi rin nakaligtas sa pambubuska ng Pangulo si Presidential Communications Operations office (PCOO) Secretary Martin Andanar na aniya ay kinalolokohan ng mga babae kahit matanda na ito.

“Panelo is not a multimillionaire, millionaire or multibillionaire of billionaire, he is a debonair of the Cabinet. If you talk about sartorial elegance then we have one for that. At ‘yon namang kinakalokohan ng mga babae, itong si Secretary Andanar. Sabi ko matanda naman ‘yan at wala namang ‘yang… But ano a lot of girls would really… ‘Pag nandiyan, “Saan? Saan si ano si…?” O sige diyan kayo. Sabi ko matanda na ‘yan,” anang Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?