7

By

Panel ng Palasyo para makipag-ayos sa Simbahan, limot na

Sharing is caring!

Walang ideya si Presidential Spokesman Salvador Panelo kung ano na ang nangyari sa 3-man committee na binuo ng Malacañang para makipagdayalogo sa Simbahan.

Sa harap na rin ito ng muli na namang pag-atake ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pari at obispo sa kanyang mga talumpati.

Sinabi ni Panelo na hindi na niya alam kung ano na ang nangyari sa panel dahil wala na itong narinig pa matapos lumamig ang isyu sa iringan ng Simbahan at ni Pangulong Duterte.

“I’ve not heard of what happened to that. I heard about it, but it appears after the announcement , there was no moving on, unless that there was a move on the church side. But I didn’t hear about it,” ani Panelo.

Ang 3-man panel na binuo noong buwan ng Hunyo para makipag-usap sa Simbahang Katolika ay kinabilangan nina dating Presidential Spokesman Harry Roque, EDSA People Power Commussioner Pastor ‘Boy’ Saycon at Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella.

Hindi masagot ni Panelo kung may posibilidad na buhayin muli ang binuong panel para makiapag-ayos ang Malacañang sa mga obispo at pari.

Iminungkahi ni Senador Richard Gordon na dapat muling makipagdayalogo ang Palasyo sa Simbahan dahil hindi magandang tingnan na palaging nag-iiringan ang Presidente at ilang pari ay obispo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?