5,948

By

Pandesal ni Mocha, fake news! Mark Leviste pinuri si Robredo sa pagtulong sa mga Taal evacuee

Puro papuri ang nasambit ni Batangas Vice Governor Mark Leviste sa pagdalaw ni Vice President Leni Robredo sa mga nasalanta matapos ang pagsabog ng Bulkang Taal sa Batangas.

Sa programa ni ‘Ka Tunying’ Anthony Taberna sa dzMM, tila kinontra ni Leviste ang mga naging pahayag ni Mocha Uson na limang pirasong pandesal lang at tubig ang binahagi ng Bise Presidente.

Kasama ni Robredo si Leviste nang mamahagi ito ng mga relief goods sa mga Batangueño, namigay ng 2,101 food packs na may lamang 1.5 kilo ng bigas, mga de lata at pakete ng noodles.

Namigay din si Robredo ng 1,000 face mask para maiwasan ang paghinga ng ash fall ng mga residente ng Batangas.

“Mabuhay ka VGov
@Markleviste
at pinatunayan mo sa DZMM kung ano ang tunay na tulong na binigay ni VP
@lenirobredo
sa Batangas. Ang Malupit mo ay biglang tinapos ni Tunying at Gerry ang interview. Grabe! Halatang halata. Hindi man pinuri si VP Leni para tularan ng iba,” ayon sa netizen na si @DeLrMiguel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?