48

Apr 22, 2020 @ 8:52

Pandesal ni Marian pinangiti si Dingdong

Mukhang nasarapan si Dingdong Dantes sa pandesal ni Marian Rivera.

Sa serye ng Instagram stories ni Marian kahapon, makikitang sinubukan niyang gumawa ng ube cheese pandesal na aniya’y in-demand ngayon sa madla na naka-home quarantine.

Meron pang video na hinalintulad ng aktor sa clay ang nirorolyong pandesal ng aktres.

“Panalo! Yaaay,” ang komento ni Yan sa gawa.

Masisilayan din ang ngiti ni Dong habang kumakain ng pandesal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?