27

Sep 26, 2021 @ 22:30
By

Pandemya nagdulot ng backlog sa pag-isyu ng pasaporte – DFA

Inamin ng Department of Foreign Affairs (DFA) noong Biyernes na aabot sa 2.3 milyon ang backlog ng ahensya sa mga pasaporte bunsod ng COVID pandemic.

“In 2019 we were able to release more than four million passports. In 2020, because of the pandemic we were able to release only 1.7 million passports. The difference, which is somewhere around 2.3 million, are the ones we consider as backlogs,” pahayag ni DFA Assistant Secretary for Consular Affairs Senen Mangalile.

Samantala, sa unang walong buwan ng 2021 ay umabot na umano sa 1.7 milyon ang mga pasaporteng nailabas ng DFA, ngunit ‘di matukoy ni Mangalile kung nasakop na ng mga ito ang mga nasa backlog.

“Historically, there is still something like 2.3 million passports which should have been issued under normal circumstances,” aniya.

Bukod pa umano sa backlog, nakatanggap din umano ang ahensya ng nasa 26,000 reklamo tungkol sa mga maling impormasyon gaya ng pangalan at kaarawan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?