903

Dec 25, 2017 @ 17:56
By

‘Panday’ ni Coco mas pinipilahan

As predicted, ang ‘Ang Panday’ ni Coco Martin ang pinilahan ng mga bata at matatanda sa unang araw ng 43rd Metro Manila Film Festival.

Hindi nakapagtataka ang pangunguna ng ‘Ang Panday’ sa box-office race ng walong pelikula na kasali sa Metro Manila Film Festival dahil pambata ang pelikula at nagsanib-puwersa ang fans ni Coco at ang loyal viewers ng ‘Ang Probinsyano’, ang top rating primetime teleserye niya sa ABS-CBN.

Nakatulong din sa success ng ‘Ang Panday’ ang walang kapaguran na provincial at palengke tours ni Coco para i-promote ang pelikula niya.

Hindi natapos sa Parade of Stars sa Muntinlupa City noong Sabado ang commitment ni Coco para sa kanyang unang movie directorial job dahil bumisita at pinasaya niya ang mga senior citizen sa isang home for the elderly sa Marikina City.

Na-appreciate nang todo ng mga kababayan natin ang sipag at kind gesture ni Coco kaya sinuklian nila ang effort ng actor sa pamamagitan ng pagtangkilik sa ‘Ang Panday’ sa first day of showing nito ngayong Pasko sa cinemas nationwide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?