6

Aug 19, 2020 @ 16:17

Panda na nagbuntis kahit gurang, kinagiliwan

Hindi na makapaghintay ang maraming animal lover dahil anumang araw ay manganganak na ang 22-year-old na panda sa isang zoo sa Washington.

Sa kabila kasi ng kanyang edad ay tagumpay na nagbuntis ang panda na si “Mei Xiang” sa National Zoo sa pamamagitan ng artificial insemination kaya naman marami ang nagdiwang.

“The staff is excited and a bit impatient (in a good way) for Mei Xiang to give birth,” pahayag ni Bryan Amaral, senior curator for animal care sciences sa zoo, sa ulat ng USA Today.

Kung sakali, si Mei Xia ang magiging pinakamatandang giant panda na nanganak sa Amerika.

Para naman mabantayan si Mei Xia, naglagay ang National Zoo ng “panda cam” para sa kanya pati na sa lalaking kapareha niya na si Tian Tian.

Huling anak ni Mei Xia na si Bei Bei ay dinala sa China noong Nobyembre 2019 para sa “breeding program”.

Dahil naman umano sa reforestation, naikategorya na ang mga panda na “vulnerable” mula sa dating “endangered”. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?