354

Nov 9, 2017 @ 10:50
By

Panawagan para sa #DonationforIsabel nagsimula na sa socmed

Nagsimula nang mag-socmed brigade ang mga kaibigan ng yumaong si Isabel Granada para sa gagastusin sa wake at interment ng aktres.

Mukhang hindi prepared ang pamilya ni Isabel sa biglaan nitong pagkamatay dahil sa ginagawang pagpapalaganap ng mensahe upang makalikom ng funds sa mga gagastusin sa pagpapalibing nito.

Lumalabas na hindi kakayanin ng pamilyang naiwan ni Isabel ang mga kakailanganing gastos.

Nangunguna si Lotlot de Leon sa pagpu-post nito sa kanyang Instagram account na @mslotlotdeleon, ng mga detalye sa kung saan puwedeng ipadala ang monetary donations para kay Isabel.

Nag-post din si Bianca Lapus sa kanyang IG account ng parehong mensahe.

Si Lotlot ay nakasama ni Isabel sa dating youth oriented show sa GMA 7 na “That’s Entertainment” at nakasama rin niya sa ilang pelikula sa Regal Films noong kabataan pa nila.

Pangalang “Dreyfus” ang siyang pasimuno sa donations brigade na ito para kay Isabel.

Mababasa sa socmed message para kay Isabel ang pangalan ng Chuck at Marie Aileen Regina Dreyfus na siyang nag-aayos para sa donasyon.

Si Chuckie Dreyfus ang dating ka-love team ni Isabel noong mga bata pa sila at kasamahan din sa “That’s Entertainment”.

Samantala, sa isang puting ataul inilagak ang labi ni Isabel mula sa Doha, Qatar pabalik ng ‘Pinas.

Naka-post sa IG account ni @maxxymize ang video na binibitbit ng ilang kalalakihan ang ataul ni Isabel palabas ng Al Wakra Mortuary sa Doha, Qatar patungong airport para sa pagbabalik nito sa ‘Pinas.

Bandang alas-otso ng gabi (Doha time) nang ilabas sa morgue ang ataul na naglalagak sa labi ng aktres.

Inaasahang dadagsain ng kanyang mga fans, mga kasamahan sa industriya, kaibigan at kaanak ang burol ni Isabel. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?