55

Apr 4, 2020 @ 13:18
By

Panawagan ni Eleazar na magsuot ng face mask ‘pag lumabas ng bahay, sinuportahan ng LGU

Suportado ng mga Mayor sa Caloocan-Malabon-Navotas at Valenzuela (CAMANAVA) area ang panawagan ni P/Lt. General Guillermo Eleazar sa mga Local Government Unit (LGUs) na dapat magsuot ang sinimunan sa oras na lumabas ito ng bahay.

Isa si Maalabon City Mayor Lenlen Oreta ang nagsabi na susuportahan nito ang hiling ni Gen. Eleazar.

Bukod sa pulis , manghuhuli rin ng mga hindi naka-face mask ang mga barangay, tauhan ng City Environment Natural Resources Office (CENRO) at Business Permit and Licensing Office (BPLO), sa magtututungo sa palengke, supermarket o maglalakad sa kalsda .

Ginawa ni Eleazar ang panawagan para maibsan ang pagtaas ng COVID-19 pandemic sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?