38

Jan 4, 2022 @ 15:44
By

Panawagan ng solon: EJ Obiena ‘wag husgahan

Nanawagan ang isang kongresista sa publiko na huwag basta na lamang husgahan at siraan ang Tokyo Olympian at world’s number 6 pole-vaulter na si Ernest John “EJ” Obiena matapos nitong makaalitan ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) at pangulo nitong si Philip Ella Juico.

Ayon kay House Deputy Speaker at Valenzuela Rep. Eric Martinez, hindi makabubuti kung basta na lamang huhusgahan si Obiena nang walang due process upang maresolba ang mga isyu.

“We do not treat a world-class Filipino athlete like that, he is the future of Philippine Athletics,” sabi ni Martinez.

Nakatakdang tanggalin ng PATAFA si Obiena sa national team matapos umanong mabigong bayaran ang kanyang coach na si Vitaly Petrov at magpalsipika ng liquidation documents.

Ipinunto ni Martinez na naglabas na ang pahayag si Petrov at sinabi nito na naibigay na ang kanyang coaching fee.

“The highly-respected Ukrainian coach even mentioned that he did not initiate any complaint against Obiena and understands that the delay on the release of his coaching fees is not the pole-vaulter’s responsibility,” dagdag pa ni Martinez, dating chairperson ng House Committee on Youth and Sports Development.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?