57

Nov 7, 2017 @ 17:12

Panawagan na pagbibitiw ni Sereno, kinastigo

Kinastigo ni Akbayan Rep. Tom Villarin si Presidential Spokesman Harry Roque dahil sa panawagan nito kay Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno na magbitiw na lamang para mailigtas sa kahihiyan ang Korte Suprema.

Ito’y sa gitna ng impeachment laban kay Sereno na nasa proseso pa ng determination of probable cause sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso ngayong Nobyembre.

Ayon kay Villarin, masyado namang ‘manipulative’ at ‘uncalled for’ ang astang ito ng Malakanyang samantalang ni hindi pa nahihimay ng House Justice Committee ang reklamong impeachment laban kay Sereno.

“Why would Roque publicly call for CJ Sereno’s resignation when the House Justice Committee has not yet discussed the charges against her?” tanong ni Villarin.

Duda ang kongresista kung bakit masyadong nagmamadali ang Palasyo na maalis si Sereno habang isinasantabi ang fair play sa impeachment process.

Mukhang gusto aniya ng administrasyon na magkaroon ng public pressure para alisin ang Punong Mahistrado at gawing sunud-sunuran dito ang Kataas-taasang Hukuman.

“Is Malacañang conditioning the public’s mind that CJ Sereno is guilty? Is there a sinister plot to make the Supreme Court and other democratic institutions beholden to it?” dagdag ng kongresista. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?