21

Sep 8, 2021 @ 17:49
By

Pananim sinimot ni ‘Jolina’

Umabot sa P179.57 milyon ang pinsala sa sektor ng agrikultura sa bansa bunsod ng pananalasa ng bagyong Jolina, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Ayon sa DA, malaking bahagi ng pinsala ay naitala sa mga palayan, kung saan tinatayang nasa 8,855 metric tons ng palay ang nawala.

Kaugnay nito ay apektado ang kabuhayan ng 61,828 magsasaka.

Siniguro naman ng DA na makakatanggap ng tulong ang mga apektadong magsasaka maging ang mga mangingisda na hindi pumalaot dahil sa masamang panahon.

“The DA-Disaster Risk Reduction Management Operations Center will continuously provide updates regarding ‘Jolina’,” pahayag ng DA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?