22
edgar-erice
By

Pananakop ng China sa WPS, paiimbestigahan sa Kamara

Sharing is caring!

Nakatakdang maghain ng resolusyon si Caloocan City Rep.Edgar Erice para paimbestigahan sa Kamara ang aniya’y “creeping invasion” ng China sa mga teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ito ni Erice kasunod ng ulat na naglagay ang China ng missiles sa tatlong reefs sa WPS.

Ayon sa kongresista, kailangang timbangin ang impact sa national security gayundin ang epekto sa kalakalan at ekonomiya ng umano’y pananakop ng China.

“Absolutely, any Philippine government initiative to exploit and make use of our natural resources in our exclusive economic zone will be compromised under a situation where the military forces of China have already taken our islands,” paliwanag ni Erice.

“We must not believe, hook line and sinker, China’s promises if economic assistance and cooperation. We must now come out of a concrete summation of what we will get from this seeming subservience to Chinese interest,” dagdag ng mambabatas.

Binanggit ni Erice na pinagsamantalahan na rin ng China ang resources ng ilang mga bansa sa Africa kapalit ng mga pangakong imprastraktura pero 92 porsiyento nito ay hindi totoo.

Giit pa ng kongresista, dapat suriin ding mabuti ang mga pautang ng China partikular kung gaano kataas ang interes dahil maaari itong maging “debt trap.”

“How can we put our trust to a country who literally stabbed our back while we are partying with them?” ani Erice.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?