7

Feb 9, 2021 @ 14:23
By

Pananakit sa street vendor ng Paranaque Task Force, wake up call – Olivarez

Naging panggising sa lokal na pamahalaan ng Paranaque ang nangyaring pananakit ng kanilang task force sa isang street vendor noong Enero.

Sa panayam ng ‘Balitaan at Kumustahan’ sa Sportalakan, sinabi ni Paranaque Mayor Edwin Olivarez na kanilang pinapatupad ang maximum tolerance sa kanilang siyudad at sinigurong hindi na mauulit ang naturang insidente.

“Eto po ay wake up call sa amin na hindi na dapat maulit pa sa Baclaran yung nangyari,” lahad ni Olivarez.

Nag-viral noon ang isang video kung saan makikita ang pagsipa sa mukha ng isang vendor ng mga tauhan ng Paranaque Task Force, dahil umano ayaw ibigay ng vendor ang kanyang kariton habang nasa Baclaran.

Dahil dito’y agad na sinuspende ang limang miyembro ng task force, at puwede ring masibak sa serbisyo.

“Until now po suspended po sila ng 60 days, at ongoing po ang aming investigation,” saad ng alkalde.

“Hindi po namin ine-encourage ‘yung violence. Kailangan po maximum tolerance sa pagpapatupad ng ating batas.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?