45

By

Pananakit ni Abanto kay Navarro aalamin

Iniimbestigahan na ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang paghataw ni UE Red Warrior Nick Abanto kay Ateneo Blue Eagle Will Navarro sa laban sa ng dalawang team nitong Linggo sa Ynares Center, Antipolo.

“Yes, the incident is currently being investigated,” pahayag ni UAAP basketball commissioner Jensen Ilagan sa Spin.ph.

Sa kalagitnaan ng first quarter, agawan sa pwesto ng rebound sina Navarro at Abando.

Nasapol ng braso ni Abanto si Navarro sa mukha, na siyang napaupo sa court at kinailangang ilabas sa laro, 6:22 mark, at ‘di na muling nakabalik pa sa laban dahil kinailangan ding isugod sa ospital.

“Based on our guidelines, we can review the play. And if our findings is that the player did the action with intention of hurt, we can upgrade the non-call or make sanctions,” giit ni Jensen.

Kahit pa walang senyales ng concussion sa CT scan findings nito, under observation pa rin si Navarro nitong Lunes, Okt. 21, ’19.

Kung mapatutunayang sinadya ang pananakit kay Navarro, maaaring may suspension si Abanto sa susunod na laban ng koponan kontra FEU Tamaraws sa darating na Okt. 27.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?