114

Oct 22, 2019 @ 16:21
By

Pananakit ng gulugod hindi kinaya: Digong uuwi na ng ‘Pinas

Hindi na dadalo sa selebrasyon ng pagkakaupo sa trono ni bagong Japan’s Emperor Naruhito si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa matinding pananakit ng kanyang gulugod na resulta ng pagkasemplang niya sa motorsiklo noong Oktubre 17.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, puputulin na ng Pangulo ang kanyang Japan trip dahil sa “unbearable pain in his spinal column near the pelvic bone”.

Hiniling na lang ng Pangulo kay Davao City Mayor Sara Duterte na siyang kumatawan sa kanya sa Emperor’s banquet mamayang gabi sa Imperial Palace.

Magbabalik sa bansa ang Pangulo mamayang gabi, Oktubre 22 at kinabukasan ay magpapatingin din umano ito sa neurologist, Oktubre 23.

Sa Huwebes pa dapat uuwi ang Pangulo.

Sa kabila nito, nakadalo umano ang Pangulo sa enthronement rites ni Emperor Naruhito nitong umaga habang nakatungkod sa kanyang paglalakad.

Siniguro naman ni Panelo sa publiko na walang dapat na ipag-alala kaugnay sa kalusugan ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?