182

Apr 19, 2021 @ 20:15
By

Pananahimik ni Duterte sa WPS isyu sinagot ng Malacañang

Hindi na kailangan pang magsalita si Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng West Philippine Sea (WPS) dahil naglabas na ng pahayag ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense (DND).

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa harap ng mga puna kung bakit tahimik ang Presidente sa presensiya ng Chinese vessels sa Juan Felipe Reef at ilang isla sa Kalayaan Group of Islands.

Sinabi ni Roque na nagsalita na ang mga alter ego ng Pangulo sa isyu kaya hindi na kailangan pang maglabas ito ng pahayag.

Mayroon aniyang doktrina na kapag nagsalita na ang alter ego, hindi na kinakailangang magsalita ang Presidente.

“The constitutional doctrine says that the utterances of the alter egos are utterances of the President unless the President renounces them, and he did nog renounce them. So those remain official utterances of the highest officialdom of government,” ani Roque.

Malinaw aniya ang paninindigan ni Pangulong Duterte sa isyu sa WPS na hindi niya ipapamigay ang kahit na alinmang bahagi ng teritoryo at panghahawakan ng gobyerno ang arbitral decision na pumapabor sa Pilipinas.

Aileen Taliping

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?