206
Abante-TnT--kiko-pangilinan
By

Panalo tayo sa WPS, bakit binibigay sa tinalo natin? – Pangilinan

Sa ikatlong taong anibersaryo ng desisyon ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), inihayag ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na igiit muli at ipaglaban ang ating soberanya laban sa dayuhang panghihimasok.

“Panalo tayo. Nakuha na natin ang trophy three years ago. Bakit parang binibigay pa natin sa tinalo natin?” pahayag ni Pangilinan sa isang statement.

Ayon sa senador, simula nang nag-pivot ang Pilipinas pa-China, naging mas agresibo ang higanteng bansa sa asta nito sa West Philippine Sea.

Ang pagbangga at paglubog sa bangkang GemVer sa Recto Bank ang pinakahuling pambu-bully nito.

Sabi pa ni Pangilinan, na tungkulin ng pamahalaang Pilipino na itaguyod ang panalong ito at protektahan at pangalagaan ang teritoryo.

“Gayundin, tungkulin nating lahat bilang Pilipino na isabuhay ang panalong ito para sa pamana ng ating lahi at kinabukasan ng ating mga anak laban sa patuloy na pananalakay ng China,” dagdag pa nito.

Nanawagan naman si Senadora Risa Hontiveros sa pamahalaan na makipag-ugnayan sa ibang bansa para mahinto ang ginagawang pambu-bully ng China sa pinag-aagawang teritoryo.

“Let us stand up to the bullies, here and elsewhere, not only because this country is ours, but because it is right,” ani Hontiveros.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?