101
peping
Dec 20, 2017 @ 18:51

Panalo ni Peping Cojuangco sa POC elections, pinawalang-bisa

Idineklara ng Pasig court na ‘null and void’ o walang bisa ang pagkapanalo ni Peping Cojuangco sa Philippine Olympic Committee (POC) elections noong Nobyembre 2016.

Nitong Miyerkules ay sinabi ng Pasig City court na walang bisa ang panibagong apat na taon na termino ni POC president Cojuangco at mali ang ruling ng POC na idiskuwalipika si Ricky Vargas sa pagtakbo noong eleksiyon dahil sa technicality.

Iniutos din ni Pasig Regional Trial Court Branch 34 judge Maria Gracia Cadiz-Casaclang na magdaos ulit ng eleksiyon ang Olympic body para sa bagong presidente nito at chairman sa Pebrero 23, 2018.

Si Vargas, pati na si Abraham Tolentino na diniskuwalipika na tumakbo bilang presidente at chairman sa 2016 POC elections ay maaari nang sumabak sa February elections.

Bunga nito’y umapela ng kaso ang kampo ni Vargas matapos itong idiskuwalipika ng POC election committee.

Si Vargas ay dating pinuno ng Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?