73

Jul 27, 2021 @ 21:41
By

Panalo ni Hidilyn suklian ng magandang trato sa mga atleta – Gabriela

Hindi umano dapat magwakas sa papuri lang ang panalo ni Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympics.

Ayon kay House Assistant Minority Leader at Gabriela Rep. Arlene Brosas, dapat ay suklian ang panalong ito sa mas magandang pagtrato ng gobyerno sa mga atleta.

“This House of the People must not end in just basking in Ms. Diaz’s pride and glory, instead it must be ensured that national athletes are given enough support and funding as they bring honor to the country and are inspiration to all Filipinos,” sabi ni Brosas.

Bago nanalo, umami ng kontrobersya si Diaz matapos na humingi ng dagdag na tulog pinansyal upang masuportahan ang kanyang paghahanda sa paglaban sa Olympics.

Si Diaz ay Nadawit din sa tangka umanong pagpapabagsak sa Duterte administration.

Si Diaz ang unang Pilipino na nanalo ng dalawang medalya sa Olympics— silver medal sa 2016 Rio Olympics at gold medal sa Tokyo Olympics.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?