38

Jul 14, 2021 @ 19:23
By

‘Panalo’ ni Ez Mil may version para kay Pacquiao

May dalawang version na ang kantang “Panalo” ng Filipino rapper na si Ez Mil.

Ang pangunahing ideya ng unang version na nagsimula sa kanyang ina na si Hazel Miller ay tungkol mismo sa title ng kanta na “panalo” o victory, ayon kay Ez Mil sa panayam sa “Anything Goes”.

Sa kasagsagan ng pag-ere ng kanta, nagustuhan ito ng mga netizen at nais gawing entrance song sa laban ni Senador Manny Pacquiao.

Ang kanta’y sumisimbolo umano sa bawat panalo na natamasa ng Pilipinas sa larangan ng boxing dahil kay Pacquiao.

Dahil dito, nagsimulang sumulat si Ez Mil ng pangalawang version ng kanta tungkol kay Pacquiao.

Ayon sa kanya, hindi ito ang unang version ng “Panalo” dahil ayaw niyang gamitin ang pangalan ng Pambansang Kamao upang makakuha ng atensyon o magsilbing pigeonhole sa mga netizen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?