7

By

Panalo ng Uste, handog kay Akomo

Sharing is caring!

Nakuha ng UST Growling Tigers ang kanilang unang back-to-back win ngayon season sa pamamagitan ng pagdispatsa sa UP Maroons, 86-72, sa Mall of Asia Arena Miyerkoles, October 10.

Inspirado ang UST na maglaro bilang isang team lalo na’t wala ang kanilang import na si Steve Akomo dahil sa natamong blood clot mula sa kanyang ulo.

“Everybody came out to play today. Almost all of my players, they played well,” sabi ni UST head coach Aldin Ayo.

Tungkol sa kalagayan ni Akomo, naghihintay pa lang sila ng opisyal na statement ng UST ngunit nasa mabuting kalagayan na raw siya sa ngayon.

“The UST will make an official statement regarding Steve [Akomo], pero okay naman siya,” paliwanag ni Ayo.

“Hopefully he recovers, although I think nothing serious naman pero sana gumaling kasi kawawa naman yung bata.”

“This [win] is for Steve [Akomo], for all the players, and for the UST community,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?