357

Apr 27, 2019 @ 20:15
By

Panalo ng PH sa West Philippine Sea, binanggit ni Duterte kay Xi Jinping

Pinahapyawan ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping ang panalo ng Pilipinas sa arbitral ruling na pumapabor sa Pilipinas sa karapatan sa West Philippine Sea.

Sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na ginawa ito ng Pangulo sa bilateral meeting nila ni President Xi sa Beijing, China.

Sinabi ng kalihim na naunang binanggit ni Pangulong Duterte ang presensiya ng mga barko ng China sa Pag-asa Island at saka nito pinahapyawan ang inilabas na desisyon ng arbitral tribunal noong Hulyo 12, 2016.

Sinabi pa aniya ng Pangulo na sa susunod na dalawang taon ay igigiit nito ang arbitral ruling.

“Arbitral ruling was mentioned. Duterte said ‘I will bring up the arbitral ruling in another two years, by saying so, what message was he putting across?,” ani Esperon.

Sa ginanap na bilateral meeting ay nagkasundo ang dalawang lider na ayusin at resolbahin ang usapin sa pamamagitan ng diplomatikong pag-uusap.

Inilarawan ng kalihim ang bilateral nina Pangulong Duterte at President Xi na “very frank, very substantive, at very productive”, at ipinakita ng Pangulo ang matatag nitong paninindigan sa pagpapahalaga sa pambansang interes.

“I think this is the best bilateral that the President has had so far with President Xi Jinping,” dagdag pa ni Esperon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?