96
warriors11
By

Panalo ng Golden State, tadtad ng bagong marka

Sharing is caring!

Umiskor si Stephen Curry ng 35 points sa loob ng 34:21 para ihatid ang Golden State Warriors sa dambuhalang 126-85 win kontra Houston Rockets at 2-1 lead sa West finals.

Pang-apat na pagkakataon sa postseason na may 35+ points sa loob ng 35 minutes o mas mababa pa si Curry. Pinakamalaking ratio ito sa shot-clock era, dati ay nangunguna rito ang tatlo ni Shaquille O’Neal.

Sapul noong 2015 postseason, 36-5 na sa sariling teritoryo ang Warriors.

Nilagpasan ni Klay Thompson (1,786) si Rick Barry (1,776) sa second place ng Warriors career postseason scoring list. Naunahan na rin ni Curry (712) si Barry (699) sa most postseason baskets sa kasaysayan ng prangkisa.

Pinakamalaking tambak din ng Houston ang 41-point loss sa postseason.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?