2

By

Panalo mas mahalaga kay Cansino

Sharing is caring!

Maganda ang nilalaro ng UST Growling Tigers bilang isang team ngayon, ayon kay UST head coach Aldin Ayo.

Bagama’t lahat ng manlalaro sa UST ay nakikinabang sa bagong sistema ni Ayo, si CJ Cansino ang pinakanangingibabaw sa lahat.

Sa kanilang back-to-back wins ngayong season, naglista ang UST super rookie ng 16.5 points at 13.5 rebounds.

Para kay Cansino, hindi lang niya nagamay ang sistema ni Ayo tuwing ensayo sapagkat tuwing maganda ang laro niya ay nananalo rin ang UST.

“Sobrang sarap sa pakiramdam kasi grabe kaming mag-practice talagang ‘go-hard’ kami, at ngayon na-adapt na naman siya sa game sobrang saya sa feeling,” sabi ni Cansino matapos ang 86-72 nilang panalo kontra UP nitong Miyerkoles.

“Masaya din ako [sa performance ko] kasi naco-convert siya sa panalo, but hindi lang ako buong team din kapag panalo, as a team talaga.”

Pagpasok pa lang sa seniors division ay nagpakitang-gilas ang Season 80 juniors MVP sa first round ngayon season.

Sa ngayon ay may average siya na 14. 3 points, 9.4 rebounds, at 2.9 assists per game, at kasalukuyang bumabandera para sa Rookie of the Year award.

Pero iisa lang ang nais makamit ni Cansino, at iyon ay ang manalo at makapasok sa Final Four muli.

“Hindi ko kasi talaga tinitingnan ‘yung Rookie of the Year eh gusto ko talagang manalo,” aniya.

“Siguro reward na lang ‘yun sa paghihirap ko, pero ‘yung goal ko talaga is makapasok kami sa Final Four for the [Thomasian] community.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?