7

Oct 27, 2020 @ 16:34
By

Panahon ng amihan malapit na – Pagasa

Inaasahang sa darating na mga araw o linggo ay opisyal nang idedeklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang northeast monsoon o “amihan” season.

“In the coming days or weeks we can already declare the onset of amihan, which usually begins between the last week of October and the first couple of weeks of November,” pahayag ni Pagasa weather specialist Robb Gile.

Aniya, kasalukuyang nasa climate transition period ang bansa matapos ideklara ng Pagasa ang pagtatapos ng southwest monsoon o “habagat” noong Oktubre 22.

Dahan-dahan na rin aniya ang pag-ihip ng malamig na hangin mula sa amihan na pinalalakas ng mga nagdaang bagyo.

Noong nakaraang taon nagsimula ang “amihan” season ng Oktubre 25.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?