23

Oct 6, 2020 @ 10:45
By

Panahon na po para magbakasyon tayo – Duterte spox

Ayon sa Palasyo, hinihikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipino na magbakasyon matapos ang kalahating taon na required manatili sa loob ng tahanan bilang pag-iingat sa COVID-19.

“Ang mensahe po ng Presidente: kinakailangan mabuhay po tayo sa kabila ng COVID-19. Pwede naman pong gawin iyan sa pamamagitan ng pag-ingat sa ating mga buhay nang tayo po’y maghanapbuhay,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga reporter.

“Panahon na po para tayo naman po ay magbakasyon matapos ng napakatagal na lockdown, lalong-lalo na sa Metro Manila,” dagdag niya pa kahapon, Oktubre 5.

Ngayong buwan, binuksan na ang Baguio City para sa mga turista mula sa Ilocos Region, habang tumanggap na ang Boracay ng mga bisita nationwide.

Samantala, nagtala ng 324,762 kaso ng coronavirus ang bansa kahapon.

Kabilang dito ang 45,799 aktibong kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?