160

Jan 18, 2019 @ 17:43
By

Panahon na para idepensa ang Simbahan – bishop

Isang opisyal mula sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pumalag at nagsabing panahon na umano para idepensa ang Simbahang Katoliko sa mga pag-atake.

Sa pahayag ni Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos sa Radio Veritas, sinabi nitong “under attack” umano ang Catholicism sa Pilipinas, na nagmumula pa sa matataas na opisyal ng pamahalaan.

“The Philippine church is in a stance where it has to defend its faith and beliefs. Enough is enough,” sabi ni Santos.

Nilinaw naman nito na ang pagsasalita niya laban sa mga maaanghang na pananalita ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Simbahan ay hindi paghihiganti kundi nais niyang idepensa ang pananampalataya ng mga Katoliko.

Ang tinuran ni Santos ay sagot niya sa sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na dapat hindi sumasali sa usaping politikal ang Simbahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?