375

By

Panahon na! Coach Shaq pinagre-resign ng mga netizen

Isinisi ng mga netizen kay head coach Shaq Delos Santos ang pagyuko ng Philippine women’s volleyball team sa Indonesia, 20-25, 26-24, 15-25, 25-20, 14-16, sa 30th Southeast Asian Games sa PhilSports Arena sa Pasig City nitong Lunes.

Walang nagawa ang 17 puntos ni open spiker Ces Molina at 14 markers ni Alyssa Valdez at ang malaking ambag nina Mika Reyes at Eya Laure sa mga Indonesian kaya nakaalpas sa bansa ang tansong medalya.

Bunsod nito, nagkaisa ang mga netizen na panahon na raw para palitan si Delos Santos ng mas “wiser” at “experienced” coach.

Wala anilang problema sa mga player at ang kulang ay ang strategy at talino ng coach.

Sa kabila nito, binati pa rin nila ang Philippine Women’s Volleyball National Team sa ipinakitang puso sa laban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?