14

Jul 18, 2021 @ 20:19
By

Panagutin politikong pa-pogi sa mga gov’t activity – Kontra Daya

Nanawagan ang grupong Kontra Daya sa Commission on Elections (Comelec) na ibunyag sa publiko ang mga politikong mapapatunayang gumagamit ng mga aktibidad o proyekto ng pamahalaan upang mapa-pogi ang sarili para sa 2022 elections.

Isa sa mga binanggit ng grupo ang kasalukuyang pagbabakuna na maaari umanong gamitin ng mga politiko para ma-promote ang sarili para sa halalan.

“Kontra Daya strongly denounces the brazen moves of politicians to hijack official government activities like vaccinations for their own electoral agenda,” pahayag ng convenor ng grupo na si Danilo Arao noong Sabado.

“In the same way that concerned individuals and groups have done so, Comelec should publicly call out such underhanded ways to promote themselves,” pahayag pa niya.

“This is clearly a case of premature campaigning and Comelec should not be too technical and legalistic in refusing to do something about it,” dagdag pa ni Arao.

Tinawag din ni Arao ang atensyon ng Health Department at ng Inter-Agency Task Force na magmanman sa mga vaccination site na maaaring gamitin ng mga politiko para mapaganda ang kanilang imahe para sa halalan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?