70

Feb 25, 2020 @ 16:45
By

Panagbenga Festival tuloy – Magalong

Nagdesisyon ang Baguio City government na ituloy ang pinagpaliban na Panagbenga o Flower Festival dahil sa coronavirus (COVID-19).

Ayon kay Mayor Benjamin Magalong, pinostpone ang festival dahil sa banta ng virus pero habang marami nang persons under investigation ang na-discharge, itutuloy na nila ito.

Siniguro naman ni Magalong na may mga hakbang silang ginagawa para maging ligtas sa COVID-19.

Nakatakda ang grand opening parade sa Marso 21 habang ang closing ceremony na katatampukan ng mga fireworks display ay sa Abril 5. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?