307

Feb 1, 2019 @ 16:27
By

Panagbenga Festival 2019 bumukadkad na sa Baguio

Inumpisahan ng street dance parade ang pagbubukas ng 24th Panagbenga Festival sa City of Pines ngayong Biyernes.

Nakasuot ng mga flower-inspired costumes, umindak sa musika ang mga street dancer na lumahok sa parada.

Ang ibang paslit ay nagsuot ng costume na mala-insekto gaya ng makulay na paro-paro.

Ang main event ng festival ay katatampukan ng grand street parade na magaganap sa Marso 2-3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?