55

Jun 7, 2019 @ 15:49
By

Panaga, PetroGazz Angels wawalisin ang first round

Target ng PetroGazz Angels na panatilihing malinis ang kanilang record ngunit hindi ito magiging madali dahil kailangan muna nilang makalusot sa Pacific Town Army Lady Troopers alas-2 Sabado ng hapon sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference sa FilOil Flying V Centre.

Wala pang laro at set na nailalaglag ang Angels at nito lang Miyerkoles ay nagwagi muli ang koponan kontra BaliPure Water Defenders.

Sa score na 25-19, 25-12, 25-15, sanib pwersa ang mga import nitong sina Wilma Salas at Janisa Johnson na may tig-12 points.

Pero para kay three-time PVL Best Blocker Jeanette Panaga, hindi dapat palaging asa na lang sa imports.

“Mindset namin ay Reinforced ‘to, so talagang gagawa yung mga import namin pero siyempre hindi naman sila dapat palagi ‘yung gagawa,” salaysay ni Panaga na may 11 points sa laban.

Samantala, galing rin sa panalo ang Pacific Town Army noong Hunyo 1, laban sa Motolite 25-21, 25-21, 23-25, 25-21.

Bumida para sa Lady Troopers si import Olena Lymareva-Flink na may 20 puntos at local spiker Royse Tubino na nag-ambag ng 18 points.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?