23

By ,

Panaga lipat-bakod sa PetroGazz

Sharing is caring!

Matapos ang pagkalas ni Myla Pablo sa Pocari Sweat, isang manlalaro na naman ang aalis sa koponan.

Lipat-bakod si three-time Premier Volleyball League best blocker Jeanette Panaga sa PetroGazz sa muling pagbubukas ng liga sa susunod na taon.

Sa pahayag na inilabas ni Panaga sa tulong ng kanyang agency na Virtual Playground, sinabi na isang mahirap na pasya ang kanyang ginawa at ipinasa-Diyos na lamang niya ito at sa Angels aniya siya dinala.

“It’s really a hard decision because almost all of the teams are dedicated in helping Philippine volleyball grow. Their investment is really a major help to the players. I’m leaving everything up to Him. And he leads me to PetroGazz,” wika ni Panaga.

Sa pagtalon ni Panaga sa Angels, muli niyang makakasama ang dati niyang kakampi sa College of Saint Benilde na sina Djanel Cheng, Ranya Musa at Rachel Austero.

“The team spirit and camaraderie are there it won’t be hard to adjust because some of my former Saint Benilde and Pocari teammates are already there,” dagdag niya. “The relationship is there so it’s like a mini-reunion.”

Sasali na si Panaga sa pagsasanay at ensayo ng Angels sa susunod na taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?