114
4 patay, 2 sugatan sa pamamaril sa burol
Aug 27, 2019 @ 15:57
By

Panadero tinambangan, patay sa Malabon

Patay ang isang 59-anyos na panadero matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang gunman sa Malabon City, kagabi, Agosto 26.

Dead on arrival sa Caloocan City Medical Center si Eddie Gonzales, residente ng Barangay Tonsuya matapos magtamo ng tama ng bala sa katawan.

Base sa imbestigasyon nina Police Homicide Investigator P/SSgt. Julius Mabasa at P/SSgt. Philip Cesar Apostol, nakatayo ang biktima sa labas ng isang computer shop malapit sa kanilang bahay nang biglang sumulpot ang hindi kilalang suspek at pinagbabaril ito sa katawan.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon ang gunman habang sinugod naman ang biktima ng kanyang mga kaanak sa naturang pagamutan.

Ipinag-utos na ni Malabon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao sa kanyang mga tauhan ang follow-up na imbestigasyon sa posibleng pagkakilanlan, pagkakaaresto, at tunay na motibo ng suspek

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?